Parang kelan lang nagbalot at nagbukas ako ng regalo at bumati ng walang kamatayang "Meri Krismas". Tapos ilang linggo lang nagsindi ako ng lusis at sinalubong ang pagpalit ng taon, sabay sigaw ng "Hapi Nyu Yir!" Ngayon naman araw ng mga puso. Ang bilis ng panahon noh? Bukas makalawa Mahal na Araw na, Pyesta ng mga patay tapos Krismas ulit. Hehe.
Panay ang tunog ng telepono ko kaninang umaga. Tu-toot. Tu-toot. Mga matatamis na pagbati galing sa mga di nakakalimot na kaibigan. Nakakatuwa naman talaga. Kulay pula ang buong paligid. Di dahil sa pagdanak ng dugo ha. Dahil sa magagandang pulang rosas na nagkalat. Mapabangketa o mall pa. Hanggang dito sa loob ng building namin, nakapila ang mga mamahaling bulaklak. E dios mio naman. Nuknukan naman ng mahal ng bulaklak nila! Parang executives lang ang may karapatang magbigay at mabigyan ng bulaklak.
Nga pala, unang Balentayns ko to na may jowa. Yihee! Pero parang pang-karaniwang araw lang. Parang tulad din ng mga nagdaang Araw ng Puso. Yun nga lang may katabi ka na sa upuan. Dati pag lumalabas kami. Grupo. Ngayon. Grupo pa din. Haha! Kasi ang laki na nya e. Hehe.
Sa bagay, ala naman talagang dapat ipagdiwang. Basta alam nyo sa isa't isa nagmamahalan kayo. Hindi lang sa araw ng puso kundi sa bawat minuto, oras o araw na dumaan. Alam mo na may isang taong laging nasa tabi mo. Nagmamahal sayo. Yihee! Ewan ko. Nakokornihan kasi ako dun sa mga babaeng maihi-ihi na sa sobrang kilig pag binibigyan ng bulaklak. Tulad kaninang umaga. May nag-door bell na lalakeng pusturang-pustura na may bitbit na bulaklak at tsokolate. Sa isip-isip ko, sosyal naman ng nagpadala ng roses na to. Kailangan bang naka-tie pa yung magdadala?! Yun pala jowa na yun ng ka-opisina ko. Super kilig naman si babae nung nakita.
"Ay ano yan?" (Malamang bulaklak. Ngayon ka lang ba nakakita nyan? Dios Mio!) "Ano to? Ano ka ba? Ahihihi. Sipain kita jan e." (Kita mo. Binigyan ka na nga ng bulaklak, nanipa ka pa. Gad!)
Sabay hatak kay manong...este...sa jowa nya palabas. "Ahihihi...ahihihi"
Hindi naman ako nagiinarte dahil sa wala akong rosas noh! Di ko nakahiligan ang bulaklak. Aanhin ko naman yun? E wala naman akong vase dito sa opis o sa bahay. Tsokolate pwede pa. Hehe. Mas mainam pa siguro kung cash na lang o pakainin ako sa mamahaling resto. Wahehe. Pero gudlak. Kailangan namin maghigpit ng sinturon. Sa panahon ng krisis, bawal magpakakorni. Kumain lang kami ng sabay, okay na. Swit na kami nun. Hehe. E kanina ngang umaga. Buti na lang naka-diaper ako. Maihi-ihi ba naman ako sa kilig dahil tong lalakeng to, minsan lang magsulat to. Bigyan ba naman ako ng letter na nakasulat sa mahabang papel na kung saan lang nya napulot at nakapulupot sa wire. Parang yung papel ng resibo sa grocery. Tapos yung panali na ginamit ng mokong e yung wire pang-bundle ng kurdon. O di ba ang swit. Pero pramis. Natuwa ako nung nabasa ko. Minsan lang nga kasi magsulat to. Parang bata yung nagsulat. Haha! Puro kakornihan. Hahaha. Pero in-fairness lab na lab ako ni mokong. Yihee!!!
O syasya, Hapi Balentayns!
Gudlak sa akin mamayang gabi. Malamang uuwi na naman akong magisa neto at kakain sa boarding house mag-isa. Gusto ko ngang regaluhan ng malaking orasan tong lalakeng to e. Balak ko sanang tungkabin yung orasan sa City Hall ng Maynila para ibigay sa lalakeng to na lagi na lang walang oras. Hmp!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment